Tuesday, 21 August 2018

Isabuhay ang Sariling Wika, Wikang Filipino.



"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda."
-Dr. Jose Rizal


        Ang wika ay isang palatandaan ng identedad ng bayan. At kilala ang Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas, ng dahil sa dugo't pawis sa pakikipagsapalaran ng ating mga bayani at ninuno tayo ay nagkaroon ng sariling identedad. Ngunit napakasakit isipin na unti-unti na itong pinapatay ng kapwa nating Pilipino dahil mas binigyang pansin nila ang wikang banyaga at ang teknolohiya ay mas lumago. Wikang dapat ipagmalaki at mahalin ngunit ng dahil sa makabagong henerasyon at panahon, nakakalimutan na ng mga kabataan ang pag buklat ng aklat. 
      Hindi nila alam na ang WIKA ay nangangahulugang IKAW. Kung hindi tayo ang kikilos, sino pa? Kaya tayo nasasakop kasi hindi natin kayang tanggulin ang sariling atin. Sapagkat ang wika ay parang halaman lamang. Kinakailangan diligan mo ito at mahalin, pahalagahan at tangkilikin dahil nakasalalay sa ating mga kamay ang kinabukasan nito. 
             Sa bawat pagsilang ng araw, dala natin ang pag-asa at pagkakataon. Pag-asa upang magpatuloy at pagkakataon upang ating isabuhay ang ating wika. Hindi lamang sa isip at salita kundi pati sa gawa. Sa pamamagitan ng  paggamit ng ating wika sa pakikipagtalastasan, naipapakita dito ang ating pagiging makabayan. Bilang mga Pilipino, tayo ay may sariling wika, may sariling gawa. Nawa'y lagi nating pahalagahan ang wikang bahagi ng ating kultura at pagkakakilanlan, at patuloy na pagyamanin ito tungo sa kaunlaran ng ating bayan. Itaguyod ang sariling wika, pagtibayin, at ipalaganap natin upang ang pagkakaisa ay makamtan. Dahil ang wika ay ang sumasagisag at sumisimbolo ng ating pagka Pilipino. Kaya wika ay dapat pahalagahan at isabuhay upang mas patibayin ng makabagong henerasyon ng  mga kabataan ang ating bayan na sinilangan dahil ito ay isa sa natatanging kabang yaman ng Pilipinas.